Thursday, June 24, 2010

Noon

Sunny Day Ano kaya unang reaksyon ng mga sinaunang tao noong nagluwal ng kambal ang isa sa kanilang ka-tribo? 

Masaya siguro maging Historian. Nakikita nila kung ano mga pinaggagagawa ng mga sinaunang tao nung araw. Dati kasi, may magawa ka lang na kakaiba, amazing na kaagad yon at take note, parte ka na ng kasaysayan.


Magimbento ka lang ng kuwento, dagdagan mo lang ng super powers, kalahating hayop at lagyan ng pakpak ang mga tauhan mo, nakabuo ka na ng Legend. Ngayon? Gumawa ka ng storya ng isang bidang may pakpak at gawin mo pa siyang kalahating tao/hayop? Babansagan ka nang baliw. 


Mataas na kasi ng
standards ng mga tao ngayon e. Mas gusto na natin sila Shrek, Buzz Lightyear, Boo at Spongebob :) 


Paano kaya kung yung anak ko, laging nasa airconditioned room, tatangos kaya ilong niya? 


Pinagusapan din namin yung evolution. Kaya pango ang karamihan sa mga Pilipino, kasi hindi na kailangang painitin o i-warm masyado ang hangin na papasok sa katawan. E yung mga taga ibang bansa, may Winter sa kanila or talagang malamig ang panahon, kailangan matangos para ma-warm ng maigi ang hangin na papasok sa katawan. XD Kaya naisipan ko yan. 

Malay natin ;D


No comments:

Post a Comment