Thursday, June 24, 2010

Community Duty

AhuhuhuKakaiba pakiramdam kanina. Kahapon pa nga lang nung sinabi ng leader namin na mag meet nalang sa Community mismo, naisip ko "Di man lang sabay sabay?" Nasanay kasi ako na ganon. Tapos nung nandun na ako sa Santolan, dalawa lang kami ni Meghan.

Grabe. Ang dead kid. Tinatawanan namin sarili namin. Hinahanap namin pareho yung section namin nung second year. Buti nalang may Coke Zero na libre; inuman kami ;p


Sakay na kami kaagad ng jeep. Wala naman kaming inaantay e. Wala din namang nagpapaantay. Tapos sa loob ng jeep, tahimik. Ang random ng mga taong kasama namin. Hindi tulad dati, puno yon ng mga kakilala namin. Mas masaya ang Trip :)


Hay.
Kakalungkot.
Hindi rin siguro magiging sobrang bonded ng klase namin ngayon. Attached na kasi lahat sa mga previous sections. Saaad.

Pero ang benefits naman, since wala na kaming ka-kwentuhan, no choice.
Aral ka.
Magpakaseryoso at magpakaindependent.


Sila, mga kaibigan mo ganun na rin siguro ginagawa.
Kung kaya namin mag-isa, mas kaya namin pag samasama.


Kaya sana pagkatapos naming matutunang gumawa sa sarili lang, kung puwede sana, magsamasama ulit; tapos tumpak, mas maganda ang resulta.

Ayon. Mag a-IMCI nga pala ako bukas. May sakit kasi yung pasyente kong 5mos. Sabi kasi ni Ma'am Lim yun daw gawin ko. Clueless ako. Iba pag binabasa, iba kapag ginagawa.


Goodluck bukas.

No comments:

Post a Comment