Kasi nalate nga ako ng mga onting minuto lang papuntang LRT Santolan. Mga 5 minutes ( :> @ Mhegz) Tapos pagkasign in namin, nakita kami ni ma'am Lim at pinasama kami sa Sumulong! Kasama namin yung mga 4th year. Section nila kuya Jeff Canlas. ( :> @ Mhegz) Dun yun place kung saan kami nag implement noong second year. Laking difference ng 5 minutes. Daming pwedeng hindi nangyari or madaming ibang nangyari.
Iba yun feeling kapag biglaang bumabalik doon sa lugar.
Parang mas maganda kung lilibot ka doon, for the second time around. Kasi alam mo na yung lugar, tapos wala ka namang gagawin na ganon kabigat, kaya pwede ka talaga umikot ikot. Kaso hindi naman namin nagawa kasi nga mag-IMCI pa kami. Medyo fail ulit pagka implement ko ng IMCI considering na second time ko na. Noong first time sobra kung lumaktaw ako, e ngayon, medyo step by step, kulang nalang yung assessment. Kulang pa talaga, needs more improvement :D
Anyways, sa Sumulong nga
Wala lang, naalala ko yung patients ko doon.
Nadaanan namin bahay nila!
Gusto ko sana dumaan :(
Hindi ko nagawa.
Andun yung mga bata na kilala namin. Si Meg naaalala pangalan nila, ako yung mukha lang. Hihi. Tapos yung patient ni Lei, nakita namin. Dinala niya yung anak niya doon sa Simbahan para ma-IMCI. That family needs special attention. Kasi alam ko background ng family na yon, no read and no write yung mother, tapos 9 ang anak niya. May mga bata pa, may toddler pa nga. Tapos siksikan sila sa bahay at nagkakahawaan talaga.
Speaking of special attention,
na-alarm ako sa isang kwento ng kabilang section. Tungkol sa mga Grade 4 na may UTI. Ang patient nila, isa lang -- pero noong nag health teaching sila sa mga bata, nalaman nila na may 13 pang bata ang may UTI. Bakit uso ang UTI doon? Mahilig sila sa junk foods, softdrinks at higit sa lahat, bawal silang lumabas ng room para umihi. Hindi pwede mag CR.
Nagulat ako.
Bakti may ganon? Parang, sa lahat ng school na alam ko wala namang ganon ang rules, kahit sa public school pa. Ugali daw kasi ng mga bata doon, gawing dahilan ang pag-CR para umalis. Tsk.
Wala lang. Hindi ko alam kung lack of knowledge or what. Pero feel ko alam naman yun ng mga professor nila. Wala nga lang silang magandang disiplinary measures at siguro, budget para magpagawa ng CR na nasa loob mismo ng Campus or yung CR na, every floor, para ma monitor ang mga students nila. Ngayon ko nakikita ang pagkakaroon ng tamang rules and regulations.
Naisip ko, talagang marami pang mga lugar na kailangang matingnan. Hindi talaga sabay sabay umunlad ang mga tao sa Pilipinas. Ang daming problema. Pero mabuti at nalaman na iyon nila Ma'am Lim. I doubt na wala siyang gagawin. May gagawin at gagawin ang RM team doon XP
It's really a privilege to be standing at where I am now.
Marami na kong natutunan kay Ma'am Lim.
"Kahit nga ang mga daliri sa kamay hindi pantay pantay"
"Okay lang mangarap"
"The world is big enough for you to enjoy"
"Ano ba talaga ang gusto ko? Pera o relationship?"
"Ingatan niyo mga kaibigan niyo"
"Dream. Believe. Survive"
"...at wag kayong makakalimot sa Kanya (points upward)"
"Malay niyo, nandun na kayo, tapos sasabihin niyo 'Hi Ma'am! Nandito kami kumakain ng mushroom lasangaaaa'"
"Squa-soup"
"Switcherland" (haha sorry salbahe)
Third year at the Community.
Ayos :D
Marami akong natutunan.
At siyempre na-polish nanaman ang waiting skills ko. Level up na ata ang patience ko.
Buti nandyan ang mga groupmates ko. Mahilig magsharades and all those. Nakakatuwa silang panuorin. Hehe.
Yooosh.
ALRIGHT!
No comments:
Post a Comment