6:30am exam namin sa Endocrine.
Syempre natulog ako ng 12:00mn kasi nag-aral pa ako. Gumising ako 4:45. Nagmamadali na ako kasi matagal biyahe e. Nakaalis ako ng bahay mga 5:45am. Nadulas na ako pagkalabas, naiwan ko pa reviewers ko. Alangan na balikan ko pa diba? Kaya go nalang ako.
Tapos mga 7:30am, travel ulit papuntang Phase4B Antipolo. Kakaloka. Wala na kaming ma-react. Medyo sanay na rin sa pag-aayos nila ng oras. Yung 4th year nga e, community tapos 12pm mag eexam. Walang patawad.
9am nandun na kami. Mga 11:00 binisita namin patients. Tapos tengga na. Nakakaburat na tengga. Kinausap na nga lang namin ni Mhegz mga kaklase namin e. Pero ang lagi naming kinakausap sina World Free at Genesis. Spontaneous kasi sila e at sadyang maingay. Kung wala mga kaklase namin, hindi talaga ako mabubuhay doon. Mabuti at masasaya sila kasama.
Pakiramdam ko ayaw naman talaga kami ng mga tao doon.
Siguro may mga ayaw, may mga hindi ayaw -- kasi nakakatulong naman dun sa iba na willing na makinig sa amin. Pero duda akong okay lang sa kanilang lahat. Ako kasi pag may ganyan dito sa amin? Yung magtatanong, interview, ayaw ko nga. Kita mo nang may ginagawa kukulitin pa. Mahirap din humanap ng pasyente lalo na hindi ka doon nakatira. Owellz.
Tapos pinauwi pa kami ng 7pm
Hindi ko na makuhang magalit sa pagod e.
Ikaw ba naman maglakad ng maglakad, tumayo sa harap ng tindahan, mag-antay at tumunganga.
Promise.
Pagtunganga palang nakakapagod na talaga -- lalo na kung isang oras kang nakatunganga tapos nakatayo pa? Mabuburat ka! Okay lang sana kung 9-7pm tapos, may nagawa ka at alam mong may na achieve ka. Kunwari sa ospital, marami kang napaanak or marami kang natutunan -- satisfying at hindi ka talaga magsisising natagalan. E ito? Natagalan ka na wala ka pang napala.
Ay nako.
BASTA.
Ayoko na.
AYOKO na talagang maulit ito.
No comments:
Post a Comment