Tapos na rin ang Duty.
Ang DUTY kung saan kasama namin si Sir R. R.
Tama naman mga sinasabi niya nung unang post-conference. Ewan ko bakit hindi tumatatak sa akin yung mga sigaw sigaw niya tulad ng:
Kopya kasi ng kopya ng kopya ng kopya ng kopya ng kopya na hindi naman naiintindihan ang kinokopya
Kahit pasigaw siya ang tumatatak sa akin yung mga sinabi niya. Kinakabahan ako pag nandiyan siya pero parang mas kakabahan ako kapag wala akong masabi kapag magtatanong siya.
NCP.
Grabe rin yung NCP may anaphy at pathophy pala iyon? Dati naman kasi kahit walang mga ganun okay lang sa teacher e. Ay teka. Sa totoo lang pala hindi nila chineck yung NCP namin. Wala namang bumalik e. HAHA. Pwedeng ibalik pwedeng pwede! Past twelve ako natulog. Gumising ako ng mga quarter to 5 ng umaga. Dapat 3 e para matapos ko kaya medyo nainis ako. Nung gising na lahat ng tao sobra irritable ako. Lahat inaaway ko. Buti nagsubside pag alis ko at peaceful ang travel ko. Sa P.E. ko hindi ko muna inisip yun at nung natapos doon ko lang inisip. At simula 10-1pm yun ang ginawa namin. Whew.
Tapos
Nagpa SOAPIE din. Grabe lang. Patayan? Patayan? Buti nasatisfy siya sa ginawa ko at nakapag-break ako. Iwas sa 2 oras pang sigaw niya. Yung una kong diagnosis napaka walang kwenta. Patapon. Narealize ko walang kwenta iyon. Mas okay yung next. Sa r/t ako natagalan. Kasi ngayon lang tumatak sa isp ko na ang r/t ay galing sa pathophysiology. Salamat sa napanood naming defense ng Altairs sobrang tumatak sa isip ko ang inflammatory responses. Just the right thing that I need. Sir then grabbed my pencil and edited what I've written down. I've just contributed 2 words for that r/t --- "systemic inflammatory response secondary to possible dengue fever" Gandang r/t -- maiintindihan mo kaagad. Galing niya gumawa e.
Anyway, kay Sir ko natutunan na, pag may tinatanong sagot dapat diretso at sigurado.
Ewan basta. Gusto ko naman yung way of teaching niya. Magaling naman magturo. Kaso kasi hindi talaga Therapeutic.
Kaya ang nilalagay ko nalang sa isip ko.
Sige sigaw lang. Sigawan mo ako. Masigawan na ako ngayon wag lang kapag may trabaho na ako. Pansinin mo lahat ng mali ko para sa susunod alam ko na kung ano ang aayusin ko.
Hindi siya teacher na madaling magbigay ng sagot. Talagang ikaw at ikaw ang pipigain niya hanggang makita mo ang sagot. Di tulad ng iba, na pagkatapos ng pangalawa o pangatlong ulit ng tanong at hindi mo nasagot, sasabihin na nila ang sagot. Siya --- bahala ka ikaw magisip. Unless hindi pa naturo, sasabihin naman niya.
In the end..
Lahat kami nakapag charting.
Hindi satisfying on my part kasi hindi ako gumawa ng lahat. But I've learned.
I hope to do better next time.
Salutes @ Sir.
Matututo kami kapag siya.
No comments:
Post a Comment