Nakakadepress. HAHA.
Gusto ko kasi yung pinupush ako e, gusto ko yung may sumusupport sa akin :))
Ang hina ko kasi kapag walang nag sasabi sa akin na kaya ko. Galing ko kasing mag negate ng positivity. Oo, magaling ako mag negate -- nagiging okay lang kapag may sumusuporta. Mukha akong positive person pero hanep ako mag negate lalo na kapag parents kausap ko. Eto nanaman ba ang time of the month? Na ang nakakaapekto sa akin ay hormones? Grabe e. Sobrang doubtful nanaman ako tapos, may pinasok ako, hindi ko naman alam anong mangyayari. As in blank nanaman.
Nakabayad na e. Kaso wala ata akong pakialam? Nakakalungkot lang isipin.
Yung utak ko puno ngayon ng negative na mga bagay. Hindi rin nakakatulong mga nakapaligid sa akin, sarcastic pa kasi. Umiiyak na nga ako galit pa.
Hindi ba ako pwedeng maging mahina? Grabe naman. Pathetic na nga ang dating ko e, nagagalit pa rin. Walang masabing nakakauplift. Nakakalungkot.
Hay.
Well ako lang ulit makakapagpasaya sa sarili. Divert nanaman ng thoughts tapos wag na isipin mga bagay bagay. Gawin nalang kasi andyan na. Pero may part kasi sa akin na "naiirita" kasi parang wala naman silang iniisip kung gawin ko 'to or hindi ko gawin. Bahala ako. Argh. So sige mag-isa na ako. Hindi lang siguro talaga ako sanay na mag-isa ako... Fear siguro. Hindi ako sigurado pero basta, may barrier.
Pathetic post.
LOL.
Kawawa ang reader (if ever meron)
LOL.
Kawawa ang reader (if ever meron)
No comments:
Post a Comment