When you're on your own, it is up to you if you want to follow the rules or defy it. It's up to you if you want to believe your instructor or not. It's up to you if you are just going to listen or absorb what you are told.
When you are on your own you stand with your own feet.
And it's not an easy job.
You decide if you want to pursue something -- and plan if you are going to stay. It is confusing, whether you are going to go for money or heart. Wealth or service. Want or need. Stability or uncertainty.
Deciding is confusing.
Lalo na ngayon, na RN na ako, may kadugtong na ang pangalan ko. Kumukuha pa ako ng mga training, at nagulat ako at may lisensya rin pala ito.
Hindi ko na alam kung obligado ako, o gusto ko ang ginagawa ko.
Mahirap na at buhay ang pinagsisilbihan ko.
Oo pasado sa written at practical exam. Oo at may lisensya ka na.
Pero may puso ka ba?
Mahirap ang naka puting uniform. May kasamang responsibilidad. Pag ikaw natyempuhan na nagkaroon ng aksidente, ikaw ang aasahang tumulong. Dumaan na rin sa isip ko ito nung estudyante pa ako. Sino ba ako kasi noon na estudyante lang at kung may nangyari na ganon, siguro ako ang mauunang lumabas sa lahat ng tao -- ayoko kasi ng merong umaasa sa akin, pero hindi ko naman kayang panagutan.
Pero ngayon, napagiisipan ko na -- andito na ako -- gusto ko naman ang tumulong, bakit hindi ko isa-puso ang kung ano mang ginagawa ko?
Sabi nga ng instructor namin -- wag puro isip ang ginagamit, isa-puso ang ginagawa.
Matalino ka nga, may RN nga pangalan mo o may MD pa -- pero kapag may nakita kang taong walang pera, nasagasaan, walang kasama -- lalapitan mo ba? Tutulong ka ba?
Sa totoo lang, mas mahirap pag-aralan ang pagkakaroon ng lakas ng loob at tiwala sa sarili. Mahirap... mahirap gamitin ang emosyon.
Napagiwanan na nga ata ako... dahil kahit na may natapos ako mahina pa rin loob ko.
May mga nakakausap akong tao, na kahit na hindi sila ganun ka-sipag, pero kapag kinausap mo makikita mo na well defined sila kung magsalita. Alam nila sinasabi nila tapos alam mo na may pananaw talaga sila.
LOL.
Madalas kasi ako "oo" "ewan" e. bawasan ko dapat iyon at magisip isip rin.
Isip at puso.
Haaaay. Sana mas lumakas ang loob ko.
kaya natin to lyza! have faith hehehe :)
ReplyDeleterobs to :))