I just had the best duty experience in my entire 2 years of OJT. Ngayon ko lang kasi sineryoso yung mga ginagawa namin na mag-iisip.
Kasi ang tinuro saamin ni Sir, hindi lang yung facts mismo e -- tinuro niya sa amin kung gaano kaimportanteng mag-isip. "Listen before you talk and think before you answer" Parang ganun ang dating. Dapat alam namin mga bagay bagay. Hindi naman kailangan maging sobrang matalino ka para makagawa ng isang bagay. Dapat alam mo ang gagawin mo at responsible ka sa mga gagawin mo.
Lahat ng bagay may koneksyon e. And once that connection is clear to you, everything follows.
Nakakatakot maging nurse. Nakakatakot.
If you miss an important fact you might kill a person. Pwedeng manyari yon.
Most of the time dalawa lang ang option. Yes or No. Bibigyan mo ba ng gamot? Tutusukan mo na ba ng IV? Sasalinan ba ng dugo?
Isa lang ang sagot sa dalawa.
Natutunan ko rin kay sir prioritization.
Ano mas kailangan.
The best teacher si sir. Hindi kami mali sa pinili namin. Kahit mahirap ang pinili namin okay lang ako dun, may natututunan naman ako e.
And it's more than what the books can offer.
Experience.
No comments:
Post a Comment