Saturday, February 19, 2011

Haha yung friend ko

Hindi naman niya gusto siya dati. Pero ngayon, parang naiiba na ang tingin niya. Kung iispin ang korny nga e. Nakatabi lang naman niya, at nakakwentuhan. Isang buong gabi. Bigla nalang kasi siyang dumating tapos, siya na yung kinausap niya. Akala niya maya maya aalis na siya pero dun lang siya sa tabi niya! Tuloy tuloy lang ang usapan. Mas bagay nga sa kanya may relo na suot e, mas naging maganda tingnan mga kamay niya. Alam mo yung magkatabi na sila at gusto niya na biglaing yakapin siya kasi -- malapit naman sila sa isat-isa e! Walang malisya... kaso.. di ata akma sa lugar at sa dami ng tao hihi. Pero alam naman niya ang storya nung lalake na, may gusto na siya dun sa isa nilang kasamahan. At hindi naman niya alam kung ano na talaga ang meron sila. Pero kahit ano pa man ang meron sa kanila o ano... alam naman niya walang mangyayari e -- wala namang maibabalik. Ang pinaka dahilan nito kasi ay ang turing niya doon ay kapatid niya -- mas bata kasi ng tatlong taon.

Kung hindi lang talaga tatlong taon -- nakayanan na niya sigurong sabihin sa kanya na may gusto siya sa kanya. Pero hindi e, hindi pwede. Kung anong meron ngayon yun nalang yon. Kung maging sila ng gusto niya, e mabait din naman yung babae at ate rin ang turing sa kanya -- okay na. Sila na masaya :))

End.

No comments:

Post a Comment